LRT-2 Marikina at Antipolo stations, bubuksan na ngayong araw

Inaasahang giginhawa na ang biyahe ng mga pasahero mula Antipolo, Rizal at Marikina na tutungo sa Lungsod ng Maynila.

Bubuksan na ngayong araw ang dalawang bagong istasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 stations na bahagi ng East Extension Project: ito ay ang Marikina at Antipolo stations.

Ang biyahe mula Claro M. Recto sa Maynila hanggang Masinag sa Antipolo ay magiging 40 minuto na lamang mula sa tatlong oras na biyahe kapag sasakay ng bus o pampasaherong jeepney.


Nasa 80,000 pasahero ang madaragdag sa kasalukuyang ridership ng linya ng tren na nasa 240,000.

Noong Huwebes, pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ang proyekto.

Inanunsyo rin ni Pangulong Duterte na ang pamasahe ng LRT-2 para sa mga commuter sa sasakay sa dalawang nabanggit na istasyon ay libre sa loob ng dalawang linggo.

Facebook Comments