LRT 2 Masinag extension, 60 percent nang kumpleto

Pumasok na sa ‘final phase’ o huling yugto ang konstruksyon ng LRT 2 Masinag extension.

 

Ngayong araw sa pamamagitan ng isang seremonya na pinangunahan ni Transportation Sec Arthur Tugade, LRTA Admin Rey Beroya at Ambassador Haneda ng apan, sinimulan na ang pagkakabit ng railway track at at paglalagay ng Electromechanical sytem sa tren.

 

Ang EMS ay binubuo ng signaling system, overhead catenary system, telecommunications system, at power supply and distribution system.


 

Ayon sa update mula sa Department of Transportation 60 percent nang kumpleto ang LRT-2 Masinag Extension project na may habang 4 na kilometro.

 

Sa nasabing proyekto, dudugtungan ang LRT-2 mula Santolan hanggang sa Masinag.

 

Dalawang istasyon ang madaragdag, ang Emerald station sa Marikina at Masinag station sa Antipolo City.

 

Sa sandaling matapos ang proyekto ay inaasahan naman na mula sa 240,000 na bilang ng mga pasahero na sumasakay sa LRT 2 araw araw ay madadagdan pa ito ng 80,000.

 

Sa taong 2020 target matapos ang LRT-2 extension.

Facebook Comments