LRT-2, may libreng sakay sa mga manggagawa ngayong araw

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

May handog na libreng sakay ang Light Rail Transit (LRT) line 2 para sa mga manggagawa ngayong araw.

Ito ay bilang bahagi ng paggunita sa Labor Day o Araw ng Paggawa.

Sa abiso ng LRT-2, ang libreng sakay ay mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.


Kailangan lang ipakita ng mga manggagawa ang kanilang Company Identification Card o ID para makapag-avail sa libreng sakay.

Facebook Comments