Inanunsiyo ng Light Rail Transit Line 2 o LRT 2 na libre ang sakay bukas, December 30 kasunod ng paggunita ng Rizal Day.
Magsisimula ang libreng sakay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga, at sa alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Ang LRT-2 ay bukas na sa publiko mula alas-5 ng umaga sa magkaparehas na una at huling istasyon nito sa Recto at Antipolo.
Ang huling tren naman ay sa alas-9 ng gabi mula sa Antipolo Station at alas-9:30 ng gabi ang huling tren sa Recto Station.
Facebook Comments