LRT-2, wala pa rin operasyon ngayong arawLRT-2, wala pa rin operasyon ngayong araw

Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority na hindi sila magsasagawa ng partial operations mula Cubao hanggang Recto ngayong araw, Oct. 7.

Ito’y kasunod ng nangyaring sunog na tumama sa mga power rectifiers sa pagitan ng Anonas at Katipunan Stations.

Ayon kay LRTA Administrator Reynaldo Berroya, hindi pa maaaring maibalik ang operasyon dahil hindi pa tapos ang mga isinasagawang test runs at safety checks.


Aniya, mahalaga ang kaligtasan ng mga pasahero kaya kailangang matingnang mabuti ang integridad at tatag ng mga istraktura ng LRT-2 at mga gamit nito bago maibalik ang operasyon.

Pero sinabi ni LRTA Spokesperson, Atty. Hernando Cabrera, target nilang magkaroon ng partial operations simula bukas, Oct. 8.

Una nang sinabi ng LRTA, na ang Santolan, Katipunan, at Anonas Stations ay isasara sa loob ng siyam na buwan habang hinihintay na dumating ang mga spare parts para sa rehabilitation efforts nito.

Facebook Comments