LRT-2, walang biyahe simula April 18 hanggang 21

Paalala sa mga pasaherong suki ng lrt-2. Magpapatupad ng shortened operation ang lrt-2 sa Miyerkules Santo, April 17.

 

Ang huling biyahe ng tren mula Santolan, Pasig ay alas 7:00 ng gabi at 7:30 ng gabi naman para sa tren na manggagaling Recto, Maynila.

 

Pero mula Huwebes Santo, April 18 hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay sa April 21 wala nang operasyon ang LRT-2.


 

Magbabalik-normal ang operasyon nito sa Lunes, April 22.

Facebook Comments