LRT Line 1, limitado lang ang biyahe dahil sa problema sa suplay ng kuryente

Manila, Philippines – Limitado lamang ang biyahe ngayon ng LRT Line 1 dahil sa problema sa suplay ng kuryente.

Ayon kay Rochelle Gamboa, head ng corporate communications ng Light Rail Manila Corporation, simula pa kaninang 4am ay mula Roosevelt station hanggang Gil Puyat Ave station lamang ang biyahe ng LRT tren.

Nagkaroon ng problema sa power cable dahil sa malakas na buhos ng ulan simula pa kagabi hanggang kaninang madaling araw kaya nawalan ng suplay ng kuryente ang Baclaran station.


Inaayos na ng mga tauhan ng LRT-1 ang problema para maibalik ang suplay ng kuryente at maibalik sa normal na operasyon ang biyahe.

Facebook Comments