LRT Line-2 Extension, magagamit na sa susunod na buwan

23

Simula sa Hunyo, magiging operational na ang LRT Line-2 Extension na magdudugtong sa Marikina City patungong Masinag, Antipolo.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, aabutin na lamang ng 40 minuto ang magiging biyahe mula Masinag, Antipolo hanggang Recto, Maynila na dating tatlong oras.


Pero bago ito buksan, lilimitahan muna ang biyahe ng tren mula Recto station hanggang Cubao station sa May 22 – 23 at May 29 – 30 para sa integration test ng signaling system mula Marikina station patungong Masinag station.

Facebook Comments