LRT Line 2, hindi pa rin makakapag operate ngayong araw ng Biyernes dahil sa nagshort circuit na power rectifier  

Wala pa ring operasyon ngayong araw ang Light Rail Transit o LRT Line 2.

Ito’y matapos mag-trip ang power rectifier kaya nasunog ang bahagi nito sa pagitan ng Anonas at Katipunan Station.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson, Atty. Hernando Cabrera, nagkaroon ng short circuit ang dalawang rectifier sa santolan depot at katipunan station.


Mahahalintulad ang rectifier sa transformer na kumokontrol sa daloy ng kuryente.

Inaalam pa ng pamunuan ng LRT-2 ang dahilan nito.

Hindi rin tiyak kung kailan maibabalik ang operasyon ng LRT dahil sa laki ng pinsala.

Giit ni Cabrera, marami kasi ang kailangang ikunsidera para maibalik ang buong operasyon ng tren.

Kabilang na rito ang maintenance, communication, signaling system, daluyan ng kuryente, maging ang mga tren.

Tiniyak ng LRTA na puspusan na ang kanilang mga ginagawang pagsasa-ayos upang maibalik agad ang operasyon ng LRT-2.

Ang LRT-2 ay linya ng tren na bumabagtas mula Recto sa lungsod ng Maynila hanggang Santolan sa Marikina.

Facebook Comments