LRT management, aalisin na ang mga ticker sellers sa Line 1 at 2 dahil sa banta ng COVID-19

Nagpasiya ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) na alisin ang mga ticket sellers sa lahat ng istasyon ng tren.

Ito ay upang maiwasan ang pagkahawa ng COVID-19 sa mga pasahero at empleyado ng LRT.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRT, vending machine na lamang ang gagamitin para magbenta ng mga single journey ticket.


Tiniyak ni Cabrera na dumadaan sa regular na disinfecting ang mga ticket vending machine sa lahat ng istasyon ng tren.

Ginawa ng LRT ang hakbang na ito upang maiwasan na mahawaan ng virus ang kanilang mga empleyado sa mga pasaherong posibleng COVID-19 carrier.

Una dito, umabot sa mahigit 200 mga empleyado ng Metro Rail Transit (MRT) 3 ang tinamaan ng virus kabilang na ang ilang ticket sellers nito.

Itinigil ng MRT-3 ang kanilang operasyon hanggang sa Sabado, upang bigyang -daan ang disinfection habang isinasailalim sa quarantine ang mga empleyadong tinamaan ng COVID-19.

Facebook Comments