LRT- MRT, nagpatupad ng libreng sakay

Manila, Philippines – Nagpatupad ng libreng sakay ang Light Rail Transit (LRT) lines 1 at 2 at Metro Rail Transit (MRT) line 3.

Ito’y kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong araw.

Ayon sa pamunuan ng MRT at LRT, nagsimula na ang libreng sakay mula kaninang alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga.


Masusundan naman ito mamaya pagsapit ng alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
DZXL558

Facebook Comments