LRT, naglunsad ng donation drive para sa mga nabiktima ng pagsabog ng Bulkang Taal

Gumagawa na din ng paraan ang pamunuan ng LRT-1 para makatulong sa ilan natin mga kababayan na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa isang pahayag na inilabas ng Light Rail Manila Corporation o LRMC, naglunsad sila ng donation drive upang kahit papaano ay maayudahan ang mga biktima ng Taal Volcano eruption, lalo na ang mga nasa evacuation centers.

Ayon sa LRMC, may drop off points ang LRT-1 kung saan maaaring dalhin ng mga pasahero ang kanilang in-kind donations.


Kabilang sa mga LRT-1 drop off points ay ang:

– Baclaran

– Central Terminal

– Doroteo Jose

– Monumento

– Balintawak

– Roosevelt

Ilan naman sa mga maaaring i-donate para sa mga evacuee ay:

– Hygiene kits

– Mga damit at underwear

– Malinis na inuming tubig

– Mga gamot

– Mga kumot, banig at kahalintulad

– N95 face masks

– At mga pagkain, na hangga’t maaari ay non-perishable o hindi mabilis mabulok o masira

Ang mga donation drop-off schedule ay nagsimula ngayong araw, January 21 hanggang bukas, January 22, simula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Facebook Comments