
Inilabas na ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang bagong fare matrix ng LRT-2.
Kasunod ito ng anunsyong 50 percent discount ng Department of Transportation (DOTr), alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pagaanin ang araw-araw na biyahe ng mga komyuter sa pamamagitan ng diskwento sa pamasahe.
Sa bagong fare matrix, 10 piso ang base fare para sa Single Journey Ticket hanggang 20 piso.
Habang sa Stored-Value Ticket naman ay 6.50 piso ang base fare hanggang 16.50 piso.
Epektibo ang bagong pasahe sa LRT-2 sa Lunes, March 23.
Bukod sa LRT-2, magkakaroon din ng 50 percent discount sa pamasahe sa MRT-3.
Facebook Comments










