LRTA, nagpaliwanag sa publiko sa nakaambang pagtaas sa pasahe sa LRT Lines 1 at 2

Nagpaliwanag sa publiko ang Light Rail Transit Authority (LRTA) kaugnay ng nakaambang fare hike sa LRT.

Ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera, ang pagtaas ng singil sa pasahe sa LRT ay epekto anila ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine gayundin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Partikular aniyang naapektuhan nito ang presyo ng spare parts ng mga tren na inaangkat mula sa abroad.


Layon din aniya nito na mabawasan ang subsidiya na binibigay ng gobyerno sa operasyon ng LRT.

Tiniyak naman ng Transportation Department na maglalaan ang pamahalaan ng P110-Million o 97% mula sa P114 million na karagdagang rail revenues, para sa maintenance, operating expenses, at repair ng rail systems at mga pasilidad.

Facebook Comments