LRTA, tiniyak na ligtas pa ring sakyan ang LRT-2

Tiniyak ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na ligtas pa ring uri ng transportasyon ang LRT Line 2.

Kasunod ito ng banggaan ng kanilang dalawang tren sa pagitan ng Cubao at Anonas Stations noong Sabado saan nasugatan ang 30 pasahero at apat na personnel nito.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Hernando Cabrera, kailangang makapaglabas ng ulat ang pamunuan ng LRT 2 hinggil sa insidente sa loob ng 48 oras.


Aminado naman si Cabrera na marami silang technical concern kung bakit gumalaw ang sirang tren na nakaparada sa pocket track o emergency bay sa pagitan ng Anonas at Katipunan Station.

Una nang bumuo ng fact finding committee ang LRTA para imbestigahan hindi lamang ang nagkaaberyang tren kundi maging ang mga train operator, control center at maintenance.

Susuriin din ang train monitoring system o “blackbox” ng tren para malaman kung ano ba ang nangyari bago ang aksidente.

Facebook Comments