LSI, dapat isailalim sa libreng swab test ng gobyerno

Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa pamahalaan na pagkalooban ng libreng COVID-19 swab test ang lahat ng Locally Stranded Individuals (LSI) na nagkukumpulan sa Quirino Grandstand at Rizal Memorial Sports Complex.

Sabi ni Recto, maituturing ding VIP o very important pasaheros ang mga LSI katulad ng mga VIP na nagtungo sa Batasang Pambansa noong Lunes, July 27, 2020 para sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo na isinailalim sa libreng swab tests.

Umaasa si Recto na ikokonsidera ng Inter-Agency Task Force (IATF) na maisailalim sa swab test ang LSIs para matiyak na hindi sila magdadala ng virus sa uuwiang probinsya.


Ayon kay Recto, hindi na dapat ipabalikat ang COVID-19 swab test sa mga LSI na kinakapos na sa mga tauhan at pondo.

Sa ngayon ay rapid test lang ang ginagawa sa mga LSI at ang mga magpopositibo lang dito ang isasailalim sa confirmatory swab test.

Facebook Comments