LSI na napaanak sa kalsada sa Pasay City kagabi, naka-confine na sa ospital

38

Nagpapalakas na sa Pasay City General Hospital ang isang Locally Stranded Individual (LSI) na babae matapos isugod ng mga tauhan ng Pasay Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) matapos manganak kahapon sa kalsada sa harapan ng World Trade Center sa Macapagal Blvd.

Nakatanggap kasi kagabi ng tawag ang Pasay DRRMO mula sa traffic base tungkol sa isang LSI na babae na nanganak sa kalsada kung kaya’t agad na sinaklolohan ang mag-ina.


Pinutol ng tauhan ng Pasay DRRMO ang umbilical cord na nagdudugtong sa mag-ina at agad nilapatan ng medical attention.

Nakilala ang nanganak na LSI na si Julie Bayda, 28 years old, tubong Iligan City at ang sanggol nito ay babae.

Facebook Comments