LSI na nasa Villamore Air Base Elementary School, isa- isa nang makakauwi sa kani- kanilang mga probinsya

Unti- unti nang nabawasan ang mga Locally Stranded Individual (LSI) na dinala sa Villamore Air Base Elementary School nitong nakaraang araw na una nang nanatili sa ilalim ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) elevated expressway.

Isa-isang nag-gayak ang mga LSI na ito para sa kinalang flight sa Cebu Pacific at Air Asia.

Pero bago dalhin sa NAIA Terminal, dinadala muna sila sa Villamore Air Base Golf Course upang sumailalim sa rapid test.


Sa kasalukuyan, mahigit 50 LSI na lang ang nasa Villamore Air Base Elementary School dahil na rebook ang kanilang flight.

Karamihan sa mga LSI ay pauwi papuntang Cotabato, Davao, Cagayan De Oro, Bacolod at General Santos

Nakatanggap naman sila ng tig-P2,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Matatandaang kinuha ng Department of Transportation (DOTr) ang halos 300 na mga LSI na ilang araw nang namalagi sa ilalim ng NAIA elevated expressway matapos makansela ang kanilang flights at dalhin sa Villamor Air Base Elementary School.

Facebook Comments