Cauayan City, Isabela- Nangangamba ngayon ang ilang Locally Stranded Individuals at Returning OFWs na nasa FL Dy Coliseum na siyang inilaang quarantine facility ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan matapos magpositibo sa coronavirus disease ang 29-anyos na OFW na limang (5) buwan pang buntis.
Ayon sa panayam sa isa sa mga nakaquarantine, labis ang kanilang takot dahil sa nangyaring pagpopositibo sa virus ng kanilang kasamahan.
Hinihiling naman nila sa Lokal na Pamahalaan ang paglilipat sa kanila sa ibang pasilidad para maiwasan ang posibleng pagkahawa sa nakamamatay na sakit.
Matatandaang nakuhanan ng specimen sample para sa swab test noong June 25 sa Echague District Hospital ang mga umuwing OFW at inilagay sa coliseum dahil na rin sa kakulangan ng pasilidad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.
Inaasahan naman na madaragdagan pa ang mga uuwing OFWs sa Probinsya ng Isabela dahil sa nagpapatuloy na ‘Balik-Probinsya Program’ ng pamahalaan.