LSIs sa lungsod ng Maynila, pinakiusapan na bumalik muna sa kanilang mga pinanggalinggan; Mga casual at job order employees ng lokal na pamahalaan ng Maynila, ni-regular na

Hiniling ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa Locally Stranded Individuals (LSIs) na bumalik muna sila sa mga lugar na kanilang pinaggalingan.

Ito’y habang naghihintay ng kanilang biyahe pauwi sa kani-kanilang lalawigan.

Nabatid na naglabas ng schedule ang Hatid Tulong Progam sa kanilang pag-uwi sa kanilang mga probinsiya ang mga LSI na pansamantalang tumutuloy sa Manila Science High School.


Nabatid na aabot sa higit 100 LSIs ang nananatili sa nasabing eskwelahan kung saan karamihan sa kanila ay ilang araw nang nag-aabang ng biyahe pabalik sa kanilang probinsiya.

Pero karamihan sa mga LSI ay umaapela na kung maaari ay magkaroon sana ng lugar kung saan sila pwedeng manatili habang naghihintay ng biyahe dahil wala na silang matutuluyan.

Samantala, pagkatapos ng mahigit dalawang dekada bilang casual at job order employees, ni-regular na sila ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Ito’y makaraang pirmahan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno ang appointment papers ng limang job order employees ng Public Recreations Bureau upang sila ay maging regular na empleyado na.

Kabilang dito ang mga Job Orders na 23, 22 at 20 years nang nagseserbisyo ngunit ngayon lang naging na-regular sa kanilang trabaho.

Facebook Comments