Lt.Col. Albotra, itinanggi ang pahayag ni Garma na sangkot sila sa pagpatay kay Tanauan Mayor Halili

Mariing itinanggi ni Lieutenant Col. Kenneth Albotra ang naging pahayag ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma hinggil sa pagkamatay ni Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili noong 2018.

Matatandaang sa ikawalong pagdinig ng quad committee, sinabi ni Garma na isang Lieutenant Col. Albotra ang nagmalaki na kasama siya sa grupo na pumaslang sa naturang alkalde.

Ayon kay Albotra, totoo na nag-courtesy call siya kay Garma noong July 3, 2015 para batiin ang kaniyang pagkakatalaga bilang City Philippine National Police (PNP) Chief sa lalawigan pero wala aniya siyang maalala na nagkaroon sila ng pag-uusap hinggil sa pagpatay.


Iginiit ni Albotra na malinis ang kaniyang konsensiya at wala siyang kinalaman sa ibinabatong akusasyon laban sa kaniya.

Facebook Comments