Lt. Gen. Gamboa, mananatiling PNP OIC kahit inatasan na ni PRRD si DILG Sec. Eduardo Año

Wala pa ring napipili si Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malinaw ang mensahe ng Pangulo na may problema sa loob ng pambansang pulisya.

Sinabi pa ni Panelo, na tanging si Pangulong Duterte lamang ang may alam sa kung kailan siya magtatalaga ng PNP Chief.


Nilinaw naman ni PNP OIC, Lt/Gen. Archie Francisco Gamboa, na mananatili siyang officer-in-charge kahit inatasan ng Pangulo si DILG Sec. Eduardo Año na pangasiwaan ang PNP.

Mananatili ang kanyang kapangyarihan hangga’t hindi ito binabawi ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Simula’t-sapul aniya ay nasa ilalim na sila ng pangangasiwa ni Año.

Facebook Comments