Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lt. General Jose Faustino Jr., bilang bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff.
Kapalit ito ni outgoing AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana na magreretiro bukas.
Ang pagtatalaga kay Faustino bilang bagong pinuno ng AFP ay epektibo simula rin bukas, July 31, 2021.
Matatandaang si Faustino ay itinalaga bilang Philippine Army Chief nitong February 2021 pero tinanggal din dahil sa hindi raw ito qualified sa position batay sa nakasaad sa batas.
Nakasaad kasi sa Republic Act No. 8186 na ang itatalagang Philippine Army Chief ay at least may isang taon pang manunungkulan sa serbisyo kaya hindi raw pasok sa qualification si Faustino na magreretiro sa Nobyembre ng taong kasalukuyan.
Tanging ang posisyong AFP Chief of Staff ang exempted sa nasabing batas.
Si Faustino ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1988.