Bumaba na sa kanyang pwesto bilang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) si Lieutenant General Antonio Parlade Jr.
Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Aniya, nitong nakalipas pa na linggo nag-resign si Parlade.
Hindi niya umano alam ang dahilan nito at kung tatanggap ba ito ng bagong pwesto sa ELCAC.
Si Parlade ay malapit nang magretiro sa military service sa July 26.
Maliban sa ELCAC, siya ay commander din ng Southern Luzon Command.
Naging kontrobersyal si Parlade dahil sa pag-red-tag nito sa ilang personalidad at pag-uugnay sa kanila sa mga komunistang rebelde.
Samantala, kinumpirma rin ni Lorenzana na si Philippine Army 2nd Infantry Division Commander Major General Bartolome “Bob” Bacarro ang papalit sa pwesto ni Parlade bilang Southern Luzon Command commander.
Ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment paper nito noong June 28.
Si Bacarro ay Medal of Valor awardee at miyembro ng PMA Maringal Class of 1988.