Pormal nang umupo bilang ika-57th Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff si Lt. General Andres Centino ngayong araw.
Pinalitan ni Centino si General Jose Faustino Jr., na nagretiro sa serbisyo ngayong araw.
Isinagawa ang Change of Command ceremony sa Camp Aguinaldo na pinangunahan ni Undersecretary Cesar Yano ng Department of National Defense.
Sa kanyang inaugural speech, tiniyak ni Centino na gagawin ng AFP ang lahat para matapos na ang armed conflict sa bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi aniya titigil ang militar sa maigting na operasyon laban sa mga local terrorist groups.
Tiniyak din ng bagong AFP chief na magpapatuloy ang pag-upgrade ng kanilang mga capabilities sa pamamagitan ng pag-procure ng mga bagong assets.
Siniguro rin ni Centino na magkakaroon sila nang mas magandang ugnayan sa South East Asia counterparts para naman sa seguridad sa mga teritoryo ng bansa.
Nagpasalamat naman si Centino kay Pangulong Rodrigo Duterte sa tiwala nito para mamuno sa AFP.