LTFRB, aalamin kung saan pwedeng mamasada ang Uber at Grab

Manila, Philippines – Malalaman na ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa Huwebes, Agosto 10, kung ilang oras ang kinakailangang biyahe ng TNVS na Grab, Uber maging ang Uhop.

Ayon kay LTFRB Spokesperson at Board member Atty. Aillen Lizada plano ng ahensiya na limitahan ang biyahe ng mga Uber, Grab at Uhop para makabawas din ng matinding daloy ng trapiko.

Paliwanag ni Lizada, tatalakayin ng ahensiya sa kanilang gagawing TWG sa susunod na Huwebes kung ilang oras ang kinakailangan biyahe ng TNVS para hindi rin umano magkulang ang bilang ng mga Uber at Grab na lubhang tinatangkilik ng mananakay lalo na kapag rush hour.


Ikinatuwa naman ng ilang pasahero ang naging hakbang ng LTFRB pansamantalang itinigil ang panghuhuli sa mga kolorum na Uber at Grab.

Umaasa si Lizada na susunod na pulong ng Technical Working Group kasama ang Uber at Grab ay matuldukan na ang kontrobersyal na problema ng TNVS.

Facebook Comments