LTFRB, aminado na mayroong kakulangan ng mga driver sa pampublikong transportasyon

Aminado si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III na mayroon talagang kakulangan ng mga driver sa pampublikong sasakyan kung saan pahirapan naman kumuha ng klasipikasyon ng mga driver sa Land Transportation Office (LTO).

Paliwanag ni Guadiz, kakausapin nila ang pamunuan ng LTO upang pagaanin ang klasipikasyon sa pagkuha ng mga professional driver sa pampublikong sasakyan.

Sa panig naman ng LTO, bumuo pa sila ng Technical Working Group hinggil sa naturang usapin upang matugunan ang problema ng kakulangan ng mga pampublikong driver sa National Capital Region (NCR).


Tiniyak naman ng LTFRB na gumagawa sila ng mga paraan upang masolusyunan ang kakulangan ng pampublikong driver sa bansa.

Facebook Comments