LTFRB at LTO, imo-monitor ang mga colorum na school bus sa pagbubukas ng klase sa August 29,2023

Magtutulungan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) para i-monitor ang mga kolorum na school bus kasabay ng pagbubukas ng klase sa August 29,2023.

Babala ni LTFRB Executive director Roberto Peig, hindi na dapat tangkilikin ng publiko ang mga kolorum na sasakyan na namamasada.

Napakadelikado kasi aniya ng mga ito dahil hindi sumailalim sa mga pagsusuri ng LTFRB na posibleng magdulot ng peligro sa mga pasahero.


Tiniyak ni Peig na may sapat na public utility vehicle sa pagbabalik eskwela para maghatid sa mga mag-aaral sa kanilang mga paaralan.

Nagpaalala naman ang LTFRB sa mga driver ng mga PUB sa pagbibigay ng 20 percent na discount sa pasahe ng mga estudyante.

May nakalatag ng mga hakbang ang mga local transport groups sa Local Government Units na makakatuwang ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtitiyak na magiging ligtas, maayos at maginhawa ang pagbabalik eskwela sa Martes.

Facebook Comments