Manila, Philippines – Nilinaw ng LTFRB na hindi ito nagpapabaya sa pagdisiplina sa mga abusadong taxi drivers na nakahimpil sa mga paliparan .
tugon ito ni Boardmember Aileen Lizada sa sumbong ni ACT OFW Partylist Aniceto Bertizz III na mistulang napapabayaan ang ugali ng ilang taxi drivers na isnabero o tumatanggi na magsakay ng mga papauwing OFW kung hidi papayag sa kanilang pangongotrata.
Ayon sa mambabatas, nasa 5,800 ang mga OFW na muuwi sa bansa bawat araw. At maaring mahulog sa pananamantala ng mga abusadong taxi drivers.
sa kaniyang panig, sinabi ni Lizada na may mga tauhan ang LTFRB na nakakalat sa tatlong paliparan na ang tungkulin ay bantayan ang paglipana ng mga colorum na taxi at para may mapagsumbungan ang mga papauwing OFW .
sa katunayan, may kasunduan o MOA sila sa Manila International Airport na nagpapahintulot sa ara mga tauhan ng LFRB na mag monitor at umalalay sa mga pasaherong OFW.