LTFRB, binigyan ng special permit ang mga bus para pumasada sa mga kalsadang apektado ng oplan ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’.

Manila, Philippines – Bibigyan ng special permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga bus para mamasada sa mga rutang apektado ng kampaniyang “Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok” ng inter-agency council for traffic.

Ayon kay LTFRB Spokesperson Aileen Lizada, 25 kumpanya ng bus na ang nakipagpulong sa kanila at maaaring payagang mamasada sa mga rutang maraming mga pasahero ang naii-stranded.

Kabilang na rito ang Commonwealth to Trinoma, Commonwealth to Cubao, Marcos Highway to SM Masinag papuntang Cubao, at EDSA Shaw to stop and shop.


Sinabi naman ni Lizada na nananatili pa rin ang pamasahe sa bus sa minimum na 10 pesos sa ordinary at 12 pesos kapag air-conditioned.

Facebook Comments