LTFRB, binuksan ang aplikasyon para sa 31 na rationalized routes sa panahon ng GCQ

Binuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang aplikasyon para mga Public Utility Buses (PUB) na gustong makabiyahe sa itatalagang 31 rationalized routes sa panahon ng General Community Quarantine (GCQ).

Aabot sa 4,600 ang binuksang slots para sa mga PUB na papayagan sa 31 rationalized routes sa Metro Manila.

Mula sa naturang bilang 550 na units ay papayagang bumiyahe sa EDSA patungong Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) route.


Ang mga bus unit ay mamarkahan sa harap at sa gilid para magsilbing palatandaan.

Bawat marka ay may itatalagang codes o kulay alinsunod sa mga ibibigay na ruta.

Bawat bus ay kailangang mag-fill out ng forms sa kanilang mga pasahero.

Dapat nakalagay dito ang pangalan, contact number, type of service, petsa at oras ng biyahe, plate number ng unit at destinasyon.

Lahat ng ito ay para sa layuning ng contact tracing.

Facebook Comments