LTFRB, binuksan na ang aplikasyon sa special permit para sa nalalapit na eleksyon sa Mayo

Tatanggap na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ng mga aplikasyon para sa special permits para sa Public Utility Buses o PUBs kaugnay ng nalalapit na eleksyon sa Mayo.

Sa isang advisory, sinabi ng LTFRB na magsisimula ang paghahain ng aplikasyon mula April 14 hanggang 25, 2025.

Ang duration o bisa ng Special Permits ay mula May 9 hanggang 18, 2025.


Kabilang sa requirements ay ang mga sumusunod.

– Kasalukuyang LTO OR/CR
– Valid Personal Accident Insurance
– At para sa juridical entities: Board Resolution at/o Secretary’s Certificate na nagbibigay ng awtorisasyon para sa aplikasyon ng special permit, at pagtatalaga ng awtorisadong kinatawan para maghain ng petisyon.

Kasama naman sa kondisyon ay:

– Tanging 30% ng kabuuang authorized units kada operator, at kada awtorisadong ruta ang papayagan
– Ang units na in-apply ay hindi dapat lalagpas ng 14 taon ang tanda, mula sa pagkakagawa o date of manufacture
– Ilagay ang espesipikong address ng terminals, para sa inapply na ruta.

Facebook Comments