Tuesday, March 17, 2026

LTFRB, bumwelta sa pahayag ni MANIBELA President Mar Valbuena kasunod ng pag-anunsyo sa taas-pasahe sa pampasaherong jeep

Bumwelta si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Vigor Mendoza sa naging patutsada ni MANIBELA President Mar Valbuena, kasunod ng anunsyo sa dagdag-pasahe ng mga pampasaherong jeep.

Sa binitawang pahayag ni Valbuena, sinabi niya na ang naging sampal para sa mga tsuper ay ang pisong dagdag-pasahe sa gitna ng mahigit isandaang porsyento na tinaas ng presyo ng langis.

Mariin naman itong sinagot ni Mendoza kung saan sinabi niyang hindi piso ang itinaas sa pamasahe sa jeep, bagkus dalawang piso.

Aniya, mula sa mga application na inihain sa ahensya, nakasaad na dose pesos ang base fare noong 2023, na siyang naging batayan ng LTFRB sa ngayong provisional fare hike.

Dagdag pa niya na bagama’t bumaba ang presyo ng petrolyo noong Abril 2023, hindi na binawi ang naging dagdag-pasahe sa mga jeepney.

Samantala, sinabi rin ng LTFRB chief na kung sakaling maghain ang grupo ng petisyon, titignan nila ito sa oras na umabot sa ₱100 ang presyo ng produktong petrolyo bunsod ng kaguluhan sa Middle East.

Facebook Comments