LTFRB Chairman Cheloy Garafil, nangakong lulutasan ang mga problema sa Edsa Bus Carousel

Nangako ang bagong Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman na si Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na tutugunan ang mga problema sa Edsa Bus Carousel.

Ito ay matapos inihayag ng LTFRB na ang ilan sa mga opisyal nito kabilang si Garafil ay bumiyahe nang patago sa naturang ruta mula Edsa Monumento dakong alas siyete ng umaga hanggang sa PITX sa Parañaque City.

Sa isang panayam, pinaliwanag ni Garafil na sinubukan niya ito upang naransan niya mismo ang mga iniindang problema ng mga commuter sa araw-araw na pagbibiyahe sa Edsa Carousel lalo na kapag rush hour.


Ayon pa sa kaniya, nadiskubre niya ang ilang mga isyu na dapat ayusin upang masiguro ang maayos na pagsakay at pagbaba rito.

Sa ngayon, bumubuo na ng road rationalization plan ang LTFRB kasunod ng nakatakdang pagbabalik ng face-to-face classes sa susunod na buwan.

Kaugnay nito, makikipagpulong din ang ahensya sa mga transport group upang pakinggan ang kanilang mga hinaing.

Facebook Comments