LTFRB Chairman Delgra, gusto nang patayin ng mga nasasagasaan nya sa trabaho

Manila, Philippines – Kinumpirma ni LTFRB Chairman Martin Delgra III na may mga nagtatangka sa kanyang buhay habang nanunungkulan sya sa LTFRB.

Ayon sa isang ng DZXL 558 RMN Manila, umabot pa sa punto na nagkaroon ng pag sabog sa opisina ni Delgra para lang ipakita na seryoso ang nasabing banta bagay ni kinumpirma ng opisyal.
Lumalabas na nadagdagan pa ang nagtatangka sa kanyang buhay matapos habulin ang mga colorum na Grab at Uber.

Gayunman hirit ni Delgra hindi sya kundi ang tunay na may kasalanan ang dapat pag diskitahan.


Ayon pa sa opisyal ginawa nya lang ang tungkulin sa LTFRB at sumusunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments