Sinuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III.
Ito ang inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO).
Inutos ng pangulo ang suspensyon dahil sa mga ulat na umano’y korapsyon sa kanyang pamamahala.
Sa mensahe ng pangulo, nakasaad na hindi niya kailanman kinukunsinti ang anumang hindi magandang gawain.
Kaya inutos ng pangulo ang imbestigasyon sa ulat na umano’y katiwalian sa pamamahala ni Guadiz sa LTFRB.
Kinokondena ng pangulo ang hindi pagiging tapat sa serbisyo publiko.
Facebook Comments