Sa harap ng ikinasang tigil-pasada ng PISTON sa susunod na linggo, agad nilinaw ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III na wala namang magaganap na phaseout ng lumang jeep.
Sa pulong balitaan ng LTFRB, sinabi ni Guadiz na ang inaasahan lang mangyari pagsapit ng December 31 deadline ay makapagkumpleto ang mga operator ng substantial compliance sa franchise consolidation
Ani Guadiz, ang hinihingi nila ay makapag-file ang mga ito ng petition for consolidation para sumailalim sa PUV Modernization Program.
Pagkatapos aniyang makapag-file ng petition for consolidation, bibigyan umano ng sapat na panahon ng ahensya ang mga drivers at operators para sa full consolidation proces.
Ayon naman kay Technical Division Chief Joel Bolano, ang mga initial requirements ay para lang sa dispatching ng units sa mga ruta.