LTFRB, dudang nagbabayad ng tamang buwis ang TNVS

Manila, Philippines – Nagsagawa ng pagdinig ang Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senator Grace Poe kaugnay sa operasyon ng Transport Network Vehicle Services o TNVS.

Sa pagdinig ay sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na inaalam nila ngayon kung nakakabayad ba ng tamang buwis ang mga Transportation Network Companies o TNCS tulad ng Grab, Uber at Uhop.

Sa pagdinig ay ipinaliwanag ni LTFRB Board Member At Spokesperson Atty. Aileen Lizada na ang mga kumpanyang ito ay dapat nagbabayad ng percentage tax para sa bawat common carrier o bawat sasakyan na nasa kanilang apps.


Ang problema, hindi naman ng mga ito idineklara kung ilan talaga ang kanilang mga common carrier.

Ipinunto ni Lizada na noong Enero ay tig 28-thousand lamang ang idineklara ng Grab at Uber pero kahapon ay inamin ng mga ito na mayroong higit 66 thousand na TNVS ang Uber at may higit 52 thousand naman ang Grab.

Kaugnay nito ay hihingi ng tulong ang LTFRB sa up at national center for transport services ukol sa pag-determina ng buwis na dapat bayaran ng TNVS.

Bukod dito ay inilahad din ni Lizada sa pagdinig na mas mababa ang interest rate sa bangko na nai-enjoy ng TNVS dahil hindi idinideklara ng mga ito na pampasada ang binibili nilang sasakyan.

Facebook Comments