LTFRB Executive Dir. Samuel Jardin, pinatawan ng 90-day preventive suspension

Manila, Philippines – Pinatawan ng 90 araw na preventive suspension ng Department Of Transportation o DOTr si Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) Executive Director Atty. Samuel Jardin.

 

Batay sa dokumento, pirmado ito ni Atty. Artemio Tuazon Jr, Head Executive Assistant, Chief of Staff at OIC Usec for administration ng DOTr at may petsang April 3, 2019.

 

Layong ng suspensyon na hindi maimpluwensyahan ni Jardin ang isinasagawang imbestigasyon laban sa kaniya dahil sa reklamong Grave Misconduct.


 

Una nang inakusahan si Jardin na tumanggap ng regalo na labag sa Graft and Corrupt Practices Act.

 

Agad magiging epektibo ang suspensyon kay Jardin oras na matanggap niya ang kopya nito.

 

 

Facebook Comments