LTFRB, gagawing 1,500 na ang slots para sa TNVS application

Dinagsa ng maraming aplikante ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para ma-renew ang kanilang prangkisa bilang Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Matatandaang nasa 1,000 TNVS operators lamang ang tinatanggap ng LTFRB kada araw.

Ang ilan sa mga aplikante na hindi naka-abot sa cut off ay nagpalipas ng gabi para makakuha ng slot sa sumunod na araw.


Kaya nagdesisyon ang LTFRB na dagdagan ng 500 ang kanilang slots para ma-accommodate ang mga operators na naghintay ng buong magdamag.

Nanindigan si LTFRB Chairperson Martin Delgra III na kailangang sundin ang quota.

Aminado rin siya na kulang sila sa tauhan.

Kaya rin humahaba ang pila sa pagproseso ng permit ay marami sa mga nag-deactivate ng Grab ang gustong makabiyahe ulit.

Dahil dito, magbubukas na rin ang LTFRB ng opisina kada Sabado.

Facebook Comments