LTFRB, handa na sa mga nakakasang tigil pasada

Manila, Philippines – Kasado na rin ang Contingency plans ng LTFRB para tiyakin na ang mga motorista at mga pasahero ay hindi maperwisyo sa mga ilulunsad na tigil pasada ng ibat ibang transport group na tutol sa Jeepney Phase-out.

Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, may pitong staging areas ung saan naka pre-position ang mga pribadong bus at mga private vehicles na maaring mag libre ng sakay sa mga stranded na pasahero.

Magpapakalat din ang MMDA ng mga sasakyan batay na rin sa pangangailangan alinsunod sa mamomonior sa mga CCTV sa mga strategic areas.


Babantayan naman ng Highway Patrol Group ang mga manghaharang ng jeep at mang haharass.

Bawat sasakyan ng MMDA ay may sakay na pulis na magmomonitor sa mga hindi kanais nais na kaganapan.

Dalawang araw na magtitigil pasada sa Septemeber 25 at 26 ang samahan ng tsuper at operator ng Pilipinas Genuine Organization.

Facebook Comments