LTFRB, handa na sa pagdagsa ng mga milyun-milyong pasahero matapos ang Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon

Nakaalerto na ang mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa inaasahang pagdagsa ng milyun-milyong pasahero matapos ang long Christmas at New Year holiday.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza na kaniya nang inabisuhan ang mga bus at iba pang transport companies na siguruhin na ang kanilang mga bus unit at iba pang vehicle ay road worthy upang masiguro ang glitch-free travel ng kanilang mga kliyente.

Dagdag pa ni Mendoza na magsasagawa rin sila ng random at surprise inspection katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno.

Bukod sa pagche-check ng road worthiness ng mga pampublikong sasakyan, layunin din na masiguro ng ahensya ang kahandaan ng mga driver.

Matatandaang nagkaroon ng dalawang fatal road accident nitong kapaskuhan at nais ng LTFRB ang zero road crash kung saan nasa milyong pasahero ang magsisibalikan na sa Metro Manila.

Samantala, inatasan din ng LTFRB Chairperson ang mga regional director na tutukan at agad na tumugon sa mga reklamo at concerns mula sa mga komyuter kabilang na ang mga abusadong taxi driver lalo na sa mga paliparan.

Nanawagan si Mendoza na makipagtulungan ang publiko upang maging mas maayos ang serbisyo sa transport system laban sa mga tiwaling PUV driver.

Facebook Comments