
Hindi muna magpapatupad ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang ₱1 hanggang ₱2 taas pasahe sa mga traditional at modern jeepney matapos ang big time rollback sa presyo ng diesel noong nakaraang araw.
Ayon kay LTFRB Chairperson Vigor Mendoza, hindi bababa sa limang rehiyon, kabilang ang tatlong pinakamataong rehiyon, ang mariing tumututol sa panukalang dagdag pasahe.
Kabilang dito ang Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Central Visayas at Metro Manila, mga lugar na matinding naapektuhan ng mga kalamidad.
Sa masusing konsultasyon at dayalogo na isinagawa ng LTFRB, lumabas na mismo ang mga transport group ay nagdadalawang-isip na isulong ang pagta-taas sa pamasahe.
Ayon din sa pag-aaral ng Department of Economy, Planning and Development (DepDev), ang pagta-taas ng ₱1 hanggang ₱2 base fare ng jeepney ay maaaring magpa-taas ng inflation rate sa susunod na dalawang taon.









