LTFRB, hinihingan ng paliwanag ng Kamara tungkol sa Uber at Grab operation

Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo ang LTFRB sa paglalaan ng problema sa operasyon ng mga Transport Network Companies (TNC) gaya ng Uber at Grab.

Hihingan ng paliwanag ng mambabatas ang LTFRB particular sa napakalaking backlog sa pagproseso ng permit para sa dalawang TNC.

Nagtataka si Castelo na hinahayaang tumanggap ng aplikasyon ang mga TNC drivers pero hindi naman naipoproseso dahilan kaya dumami ang colorum na naglipana sa Metro Manila.


Unfair aniya ito sa mga nag invest sa pagbili ng sasakyan para makapagpa-accredit sa uber at grab pero mahuhuli lamang dahil colorum sila bunsod lamang ng kawalan ng aksiyon.

Paalala naman ni Castelo sa mga taga TNC na ayusin ang kanilang sistema lalo na ang fare system, huwag kumunsinti ng kolorum at higpitan ang regulasyon sa kanilang mga operasyon at sa drivers.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments