Hinihintay na lamang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang opisyal na papel mula sa Commission on Elections (COMELEC) na nagsasaad ng pagpayag nito sa pagpapatuloy ng distribusyon ng fuel subsidy.
Sa Laging Handa public press briefing, ipinaliwanag ni LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion na hindi kasi sapat ang pronoucement lamang ng komisyon at hindi rin naman aniya nila maaaring ipadala ang link ng anunsyo ng COMELEC sa Land Bank.
Kailangan aniya na matanggap muna nila ang signed copy ng COMELEC decision para dito, upang maipagpatuloy ng Lank Bank ang distribusyon ng fuel subsdy.
Gayunpaman, nagpasalamat pa rin ang opisyal sa desisyong ito ng COMELEC, dahil ang mga drivers at operators aniya ang makikinabang dito.
Bago ang implementasyon ng spending ban ng COMELEC para sa nalalapit na halalan, nasa 110, 000 na benepisyardo na ng fuel subsidy ang nakatanggap na ng ayudang ito mula sa pamahalaan.