LTFRB, hinimok ang publiko na gamitin ang online platform nito

Hinimok ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang publiko na gamitin ang online platform ng ahensya sa pagsasagawa ng transactions para mapanatili ang physical distancing sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa LTFRB, ang mga sumusunod na transactions ay maaaring gawin online:
– Request for Special Permit
– Correction of Typographical Error
– Request for Confirmation of Units
– Request for Franchise Verification
– Request for Issuance or Extension Provisional Authority and Legal Concern
– Query on Hearing Schedule Status

Ang kanilang main office sa Quezon City ay magbubukas sa Lunes, July 20 kasunod ng pansamantalang lockdown matapos magpositibo sa COVID-19 ang limang empleyado nito.


Mahigpit na ipapatupad ang public health and safety protocols para sa kaligtasan ng kanilang mga empleyado at stakeholders.

Facebook Comments