LTFRB, humingi na ng tulong sa mga LGU dahil sa ikinakasang “Unity Walk” ng grupong Magnificent 7 na pabor sa PUV Modernization Program

Humingi na ng tulong ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga lokal na pamahalaan bilang paghahanda sa posibleng epekto ng “Unity Walk” na ikinakasa ng grupong Magnificent 7.

Ang Magnificent 7 ay binubuo ng pitong transport groups na sumusuporta sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sa isang pahayag, sinabi ng LTFRB na magpapatuloy ang pagbibigay ng libreng sakay katuwang ang mga lokal na pamahalaan para maibsan ang posibleng abala na dulot ng nasabing aktibidad.


Ayon naman kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na kanilang iginagalang ang karapatan ng mga driver at operator na maghayag ng kanilang saloobin.

Nauna nang nanindigan ang LTFRB na tuloy ang Public Transport Modernization Program (PTMP) sa kabila ng umiikot na resolution sa Senado na naglalayong ipahinto ang programa.

Facebook Comments