LTFRB, iginiit na hindi dapat magkaroon ng taas-pasahe sa pagbabalik-operasyon ng mga pampublikong sasakyan

Iginiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi dapat magkaroon ng taas-pasahe sa pagbabalik-operasyon ng iba’t ibang uri ng transportasyon.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, dapat pa ring isaalang-alang ang mga commuters na itinuturing nitong “principal stakeholders” sa mga pampublikong sasakyan.

Nakatakda namang ilabas bukas, June 30, 2020 o sa July 1, 2020 ang guidelines sa pagbabalik-pasada ng mga traditional jeepneys, ayon pa kay Delgra.


Aniya, papayagan lamang na makabiyahe ang mga tinaguriang hari ng kalsada kung “road worthy” ang mga ito.

Inaasahan namang makakapag-operate na ang mga traditional jeepney sa 12 lugar sa bansa na kinabibilangan ng:

• Bulacan
• Pampanga
• Cagayan De Oro
• South Cotabato
• Siquijor
• Region 1 (Ilocos Region)
• Region 6 (Western Visayas)
• Region 8 (Eastern Visayas)
• Region 10 (Northern Mindanao)
• Region 11 (Davao Region)
• Region 12 (SOCCSKSARGEN)
• Region 13 (CARAGA)

Facebook Comments