Pinawi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pangamba ng ilang commuter sa pagbabawas ng Angkas riders.
Ito ay dahil tatlong Motorcycle Hailing Service ang papasada.
Maliban sa Angkas, aarangkada na rin ang pilot implementation ng Joy Ride at Move It.
Ayon kay LTFRB Technical Working Group Head Antonio Gardiola Jr., inilagay nila sa 39,000 ang cap o bilang para sa mga ito na hahatiin sa tatlo.
Patuloy aniya ang kanilang pag-aaral kung saan hindi kasama sa kunsiderasyon na pagkakitaan ito.
Pinaprayoridad lamang nila ang kaligtasan ng riding public.
Iginiit pa ni Gardiola, wala pang prangkisa ang Angkas kaya mahalagang makipagtulungan ang mga ito.
Sa tantya ng TWG, nasa 27,000 ang riders ng Angkas pero tantya ng twg ay sobra-sobra pa ang mga ito.
Pero hindi aalisin ang mga ito base na rin sa rekomendasyon ng Kamara.
Kailangan ding makumpleto ang registration ng tig-10,000 nilang riders hanggang sa unang Linggo ng Enero.
Sakaling hindi mapunuan ang Joy Ride at Move It ang 10,000 cap ay maaari nilang ibigay ang kakulangan sa Angkas.
Kung magmatigas naman ang Angkas ay pwede silang maalis bilang motorcycle taxi provider.
Paalala ng TWG, huhulihin ang mga hindi nakarehistro at pwedeng makasuhan dahil sa pagiging kolorum.