LTFRB, ikinalugod ang paninindigan ni PBBM na ituloy PTMP

Pinasalamatan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil sa patuloy na pagsuporta sa Public Transportation Modernization Program (PTMP), na dating Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Kasunod ito ng ipinahayag ni Pangulong Marcos na hindi siya sang-ayon sa mga panawagan na ipagpaliban ang PTMP para magkaroon ng isa pang pag-review sa programa.

Sa isang pahayag, sinabi ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz na ang matatag na paninibdigan ng pangulo ay nagpapatibay sa kahalagahan ng modernisasyon ng sistema ng transportation system para sa kaligtasan, kahusayan, at pagpapanatili ng kinabukasan ng bansa.


Iginiit ni Guadiz na ang mga tumututol sa programa ay ang minorya lang habang 80 percent na ang consolidated.

Facebook Comments